Friday, March 28, 2008

Cordillera Brotherhood goes to Arirang TV Soon

It maybe a wishful though but I'm very optimistic that the CBO-Korea (Cordillera Brotherhood Organization) will be featured in one of Korea's famous TV Program.
Why? Because as early as January the group is busy practicing takik and other igorot dances. Thanks to Fr. Choi of Shalom Migrants Center who is always patient in promoting our very ethnic dance. His initiative brings inspiration to us who are most often misunderstood by wearing G-strings and playing the gongs, as if we are still in the primitive years. Other people just doesn't know how proud we are of our roots. We are here to educate the perennial ignorants and at the same time promote brotherhood.
Please watch for this special event comes May 11, 2008 at the Seoul Olympic Park.
Read more CBO updates here.

Saturday, March 15, 2008

Pintuan:"Magsabata't palayain ang isipan..


Hindi sinadya ang pagkakakilala natin. O maaari nga, hindi ko rin masasabi. Basta ang alam ko, naging malaking tulong kayo sa unti-unti kong pag-ahon . Parang isang salamangka ang nangyaring pagtatagpo, kaybilis ng mga pangyayari.

Ang mga alaala ng tagpong iyon ang nagbibigay sa akin ng damdamin ng kasiyahan, pagsisisi, at pagkatakot. Minsa'y nagdalawang isip ako sa maaaring mangyari na naglaalaro sa isip ko at maaari akong magkamali kung itutuloy ko ang bawat naisin ko.

Subalit sa kabila ng kaliwa't kanang pag-aalinlangan, sa bawat desisyong nais kong gawin, sa bawat daang nais kong tahakin ay lagi kayong nakagabay sa akin. Hindi ko alam kung bakit n'yo ito ginagawa para sa akin; wala akong maisip na dahilan kung bakit. Pero nang mga panahong iyon, sapat na sa akin ang malaman kong naririyan kayo kung kakailanganin, at gayon din naman kung kayo ay mangailangan ng tulong ko.

Namistulang mga bata tayo'ng nakulong sa loob ng isang kwarto at dooy samu't saring kwento ng buhay ang ating tinilakay. Bawat isay may kani-kaniyang hinagpis at pagkabigo. Mga kwento tungkol ke Nikki, ni Quile, ni Mamaw at ni Urot ay siyang laging nangingibabaw sa ating mga kwentuhan. Hanggang sa kabila ng mga hinagpis ay napagdesisyunan natin gumawa ng pintuan, ang pintuang imunungkahi natin sa ating Kura Paroko, at dooy nagsimula ang paglilimbag , ang pangarap na makabuo ng pintaung naging isa sa instrumento na magdadala ng salita ni Amang at sama-samang hinagpis ng ating iba pang kaalyado.

Sa pagbuo ng pintuan ay kaydami nating kinaharap, una naging problema ay kung ano desenyo, kung anong uri ng pintuan ang dapat at kailangan ng ating kaalyado. Maselan ang bawat isa at tila may mataas na panlasa sa kung anong i-uukit at sa pagdating sa desenyo ay ibat-ibang ideya ang pumapasok sa atin. Subalit napagkasundan ang kulang bughaw dahil para sa atin ito ang s’yang simbolo ni Ama at puti ay simbolo ng kapayapaan na sya'ng ating hinhangad at isa sa ating motibo ay ang maging instrumento upang maisulong ang pagkakakisa ng ating mga kaalyado.

Siyempre nilagyan din ito ng matibay at makintab na door nob at nilatagan din natin malinis na door mat upang kung sakaling may pumasok ay makita kaagad nila ang ating pinapangarap at naisin. Sa kabila ng pagbuo ay nalaman din natin na kailangan pala itong bantayan. Kailangan pala nating itutok ang ating ibang oras upang malaman natin kung ano pa ang nais at kagustuhan ng ating kaalyado. Hanggang sa ma-enkwentro natin ang nakakalumong mga puna, panlalait na siya naman lalong nagbigay sa atin upang dagdagan pa ang ating kaalaman sa pagpipinta at pag-ukit ng magandang pintuan. Tuloy ang ating layag at pagtuklas ng kakaibang mga desenyo, mga titik na maari nating maging kwaderno.

At ngayon ang ating pagkakaibigan ay dumako na sa isa pang kabanata ng ating buhay; sa isang bahagi ng kapatirang relasyon, natutuwa ako't walang anumang nagbago sa pakikitungo natin sa isa't isa. Nais kong magpasalamat sapagkat kayo'y nagsilbing inspirasyon ko sa bawat gawain at hangarin ko, na nagbigay ng lakas ng loob sa mga panahong ako'y nanghina, sa mga pagkakataong halos wala nang pundasyon akong maisip. Sa mga pagkakataon namistula akong html format na kulang sa debugging.

Salamat dahil kayo ang naging liwanag sa kawalan ng araw, buwan at bituin sa langit. Kayo ang naging tamis sa pait at asim ng buhay. Kayo ang naging ngiti sa mga labi at noong nakakunot dahil sa pagkairita o sama ng loob. Kayo ang nagbigay ng pandinig at paningin sa pusong nagbingi-bingihan at nagbulag-bulagan sa mga pangyayaring nagaganap sa paligid.

Ngunit higit sa lahat, salamat, dahil kayo ay naging kayo, dahil minahal n'yo ako bilang kaibigan, tulong tulong tayo sa pagtukalas ng mga bagay, mga pangyayari, mga karanasan na maari nating ibahagi at i-ukit sa ating binabatayang pintuan. Hindi man tayo mga eksperto ay may kakayahan naman tayong tumuklas......

Bukas muli tayong magsabata't, tuklasin ang wastong pagbanbantay sa pintuang ating pinagsumikapang maukit...


footnote: This amazing piece was authored by JUN REYES TORRANO, my former Sambayanan Online Webmaster way back 2001 (i forgot the exact date!). He just opened his Bagahe from Korea which he left closed for 4 years determined to keep the past behind. But lo and behold, once a webmaster is always a webmaster! He opened the box with his computer intact. Obsolete na! The good thing is, all of his articles are still there. Thanks to google daw.


The above article caught me offhand. I was so touched and blessed! I didn't realize by then how much impact I had on him. For this, I can only say, GO GO GO Jun, keep on writing to your heart's desire and make a difference in this beautiful world!


Jun, as I fondly call him, is now a writer with Ani 32 : The Global Pinoy - a project of Cultural Central of the Philippines literary division.


Nikki and Quile (should be Kiel) are my children, so young then, now 13 and 10 years olds respectively.

Caught Off-Guard by John

Another Vesion by Irma Canco

Conrad and Family in SD

Distinctly Igorota

With full Igorota attire, cordilove rush to the CBO Basketball Tournament 2007 in Majangdong,Seoul from a performance at the concelebrated Mass with Cardinal Rosales at the Dongsong High School Auditorium. (October 23, 2007)